Welcome to Lasalle!
Uunahan ko na ang napakadaming taong magsasabi neto sa inyo sa LPEP niyo
Uunahan ko na ang ang mga LAMBS (Eto yung mga naka-white na mag-guguide sa inyo sa dalawang araw ng LPEP niyo)
Uunahan ko na ang moderator niyo (Eto yung prof na maa-assign sa inyo sa dalawang araw ng LPEP niyo)
Uunahan ko na ang Santugon at Tapat (Eto yung mga miyembro ng party members na either naka orange or blue/yellow na gustong i-recruit kayo)
Dear Frosh, welcome to Lasalle!
Alam ko medyo nakakalito, nakakakaba, nakakapanibago dahil iba na, college na eh pero i'm sure na makaka-adjust din kayo agad. Alam ko din na napakarami niyong mga naririnig about DLSU, scary stories, chismis, at kung ano-ano pa, dahil nung frosh ako naranasan ko din lahat yan.
Ano nga ba ang mga bagay na makakatulong sa inyo sa sa DLSU? Actually, pinagiisipan ko pa rin kung ano nga ba ang mga tips na pwede kong ibigay sa inyo.
- Ang LPEP (Lasallian Personal Effectiveness Program) hino-hold yan ng DLSU as a welcoming for you at chance mo na din na makita at makilala ang blockmates mo for the first time kaya wag mahiya at makipag-usap agad. Alam ko may ibang taong nahihirapan mag-open up ka-agad pero lahat naman kayo nahihiya pa in that stage so why not take the first step and start a conversation di ba? (Plus nakilala and naka-close ko bestestestest college friends ko LPEP palang dahil dito sa tip na 'to)
- Smile lang ng smile sa LPEP! Hayaan nang mangawit ang pisngi mo, hayaan nang mukha kang super friendly (mas okay yon kesa mukha kang mataray), ang importante you make friends!
- Huwag kang mahiyang magtanong sa higher batch, sa LAMBs (if LPEP), sa ibang tao dahil natural lang na may mga bagay ka pang hindi alam at nag-aadjust ka pa sa new environment mo.
- Be active! Eto yung pinakapinagsisisihan ko sa stay ko sa DLSU, di kasi ako naging active sa orgs. Tip is be active in orgs, join student parties like santugon or tapat, dahil para silang stress-reliever sa college life niyo. Maraming orgs sa DLSU, may LSDC, innersoul, outdoorclub at kung ano-ano pa, huwag kayong magatubiling sumali kasi dito makakakilala kayo ng iba pang tao (outside your block) at magagawa niyo ang mga bagay na passionate kayo about.
- Maraming stereotypes na pag DLSU kailangan 'fashown'... but no, no, no, no, no. Ang pagpasok ng nakaporma ay ginagawa dahil gusto mo, hindi dahil kailangan. Di naman kailangan na araw-araw eh para kang rarampa sa New York Fashion week at di din naman totoo na bawal kang mag-ulit ng damit (Ano to wash and throw out the garbage can?). Walang makakapansin kung maguulit ka ng damit, ikaw lang. Ang importante komportable ka sa suot mo, na you're comfortable enough to learn dahil pumapasok ka para matuto hindi pumorma.
- Yun namang mga di mapigilan ang pag-porma, please don't overdo it. Don't break the dresscode too. Wag magsuot ng miniskirt paginextend mo yung arm mo sa side, eh di na abot sa tip ng middle finger mo dahil for sure di ka papapasukin ng guards (sayang lang ang porma mo, hassle pa dahil kakailanganin mo ring magpalit in the end). Kung kailangan mo talagang pumorma, do it without breaking the rules.
- Huwag mong piliting magpaka-conyo kung di ka naman conyo. Like no, don't do that ha. It's like nakakairita if you make gawa gawa that. Please lang, huwag trying hard.
- Hindi masyadong malaki ang DLSU para mawala ka sa tamang landas. Eto map for youEto pa isa (grabbed from http://itsalejandrea.blogspot.com/)
- Kung maglalakad kayo sa campus ng blockmates mo, tandaan niyo na campus ito at hindi mall, hindi rin ito ang buwan kaya medyo bilisan dahil maraming ibang estudyante na kailangan ding pumunta sa class nila. (Agad ding mapapansin ng upperclassmen na frosh kayo if you do walk slow and by bulk inside the campus)
- Pinaka-hassle na tanong niyo ng blockmates sa isa't-isa ay... "Saan tayo kakain". Please lang try to explore taft, maraming kainan wag puro agno and egi side lang (guilty ako dito though). Eto link ng posts about top places to eat in taft since medyo tamad na ako gumawa ng separate post, i-shshare ko nalang to sa inyo guys. Here -> http://8list.ph/la-salle-taft-restaurants/ and http://www.wheninmanila.com/top-5-animo-eats-the-best-foodtrip-places-in-the-archers-territory/
- Ayan na, thursday na! Yes, college means more freedom pero know your limits din naman. Kung magha-happy thursday ka, make sure na di ka uuwi while puking all the way back home. (Yung iba dyan puking while going up the elevator, maawa naman kayo sa kasabay niyo sa elev)
- Lastly, just be yourself! Don't be afraid to show kung sino ka talaga, no need for pretensions. Kung nahirapan ka mang gawin ito nung highschool ka, chance mo na ngayon dahil iba na ang mundo ng college. Sabi nga ng friend ko "You could be anything and anyone you want to be in college" (Thanks sa support Mons!)
Yun lamang po maraming salamat!
Alalahanin ang isa sa mga tips, Huwag mahiyang magtanong!
pano po iiwasan yung wrath of the upperclassmen? parang po kasi laki ng galit nila samin 115 eh :( kami na lang po lagi sinisisi
ReplyDeleteLahat ng ID number naranasan yan nung frosh sila! Harmless jokes lang yan don't worry di kayo forever frosh ;)
DeleteIt's a tradition. Na-experience rin namin yan nung frosh kami. Just go and have fun. Hindi naman kayo totally i-discriminate. Minsan lang, and just for fun lang :))
Delete-113, CLA
may pogi po ba sa DLSU??? kakabreak lang po kasi namin ng bpyfriend ko i need a guy
ReplyDeletearal muna wag landi unahin iha
DeleteDi ka mauubusan ng pogi di lang sa DLSU, sa taft na din mismo.. pero alalahanin... studies muna bago landi hahaha
DeleteIm a guy and i need a girl... di nga lang ako gwapo
Deleteay kuya hindi pala gwapo hindi kebs =))) sorry!
DeleteMay tips ka para matanggal yung kaba pag LPEP na? :P Hindi kasi madali na matanggal agad yung kaba eh haha :P
ReplyDeleteNung ako sobrang kaba ko din kasi wala akong kilala ang lalaki lahat sa engineering pero isipin mo nalang lahat kayo kinakabahan.. lahat kayo wala pang alam sa isa't isa so why not be the one to take the first step and kausapin yung blockmates mo ;) plus yung kaba or awkwardness sa first day lang yan bg LPEP or much better first few hours! 😊😊😊👍🏻 kaya yan and enjoy 👍🏻
DeleteSabagay :P Haha thanks for the tip :3
Delete