Showing posts with label lasallian tips. Show all posts
Showing posts with label lasallian tips. Show all posts

Thursday, July 30, 2015

DLSU Frosh tips!


Welcome to Lasalle!



Uunahan ko na ang napakadaming taong magsasabi neto sa inyo sa LPEP niyo
Uunahan ko na ang ang mga LAMBS (Eto yung mga naka-white na mag-guguide sa inyo sa dalawang araw ng LPEP niyo)
Uunahan ko na ang moderator niyo (Eto yung prof na maa-assign sa inyo sa dalawang araw ng LPEP niyo)
Uunahan ko na ang Santugon at Tapat (Eto yung mga miyembro ng party members na either naka orange or blue/yellow na gustong i-recruit kayo)

Dear Frosh, welcome to Lasalle! 
Alam ko medyo nakakalito, nakakakaba, nakakapanibago dahil iba na, college na eh pero i'm sure na makaka-adjust din kayo agad. Alam ko din na napakarami niyong mga naririnig about DLSU, scary stories, chismis, at kung ano-ano pa, dahil nung frosh ako naranasan ko din lahat yan.

Ano nga ba ang mga bagay na makakatulong sa inyo sa sa DLSU? Actually, pinagiisipan ko pa rin kung ano nga ba ang mga tips na pwede kong ibigay sa inyo. 

  1.  Ang LPEP (Lasallian Personal Effectiveness Program) hino-hold yan ng DLSU as a welcoming for you at chance mo na din na makita at makilala ang blockmates mo for the first time kaya wag mahiya at makipag-usap agad. Alam ko may ibang taong nahihirapan mag-open up ka-agad pero lahat naman kayo nahihiya pa in that stage so why not take the first step and start a conversation di ba? (Plus nakilala and naka-close ko bestestestest college friends ko LPEP palang dahil dito sa tip na 'to)
  2. Smile lang ng smile sa LPEP! Hayaan nang mangawit ang pisngi mo, hayaan nang mukha kang super friendly (mas okay yon kesa mukha kang mataray), ang importante you make friends! 
  3. Huwag kang mahiyang magtanong sa higher batch, sa LAMBs (if LPEP), sa ibang tao dahil natural lang na may mga bagay ka pang hindi alam at nag-aadjust ka pa sa new environment mo.